Lucas 22

Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito sa Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang kriminal.’ At natutupad na ito ngayon!”

Luke 22:37 (UKJV) For I say unto you, that this that is written must yet be accomplished in me, And he was reckoned among the transgressors: for the things concerning me have an end.

35Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Noong isinugo ko kayo na walang dalang pitaka, bag, o sandalyas, kinulang ba kayo?” Sumagot sila, “Hindi po.”

36“Ngunit ngayon,” sabi ni Hesus, “Kung may pitaka o bag kayo, dalhin ninyo. At kung wala kayong espada, ipagbili ninyo ang damit ninyo at bumili kayo ng espada.

37Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito sa Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang kriminal.’ At natutupad na ito ngayon!”

38Sinabi ng mga alagad niya, “Panginoon, may dalawa po kaming espada.” “Tama na iyan,” sagot niya.

39Lumabas si Hesus sa Jerusalem, at gaya ng nakaugalian niya, pumunta siya sa Bundok ng mga Olibo. Sumama rin ang mga alagad niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.