Lucas 22

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Noong isinugo ko kayo na walang dalang pitaka, bag, o sandalyas, kinulang ba kayo?” Sumagot sila, “Hindi po.”

Luke 22:35 (UKJV) And he said unto them, When I sent you without purse, and pouch, and shoes, lacked all of you any thing? And they said, Nothing.

33Sumagot si Simon, “Panginoon, handa po akong mabilanggo o mamatay na kasama ninyo.”

34Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Pedro, tandaan mo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”

35Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Noong isinugo ko kayo na walang dalang pitaka, bag, o sandalyas, kinulang ba kayo?” Sumagot sila, “Hindi po.”

36“Ngunit ngayon,” sabi ni Hesus, “Kung may pitaka o bag kayo, dalhin ninyo. At kung wala kayong espada, ipagbili ninyo ang damit ninyo at bumili kayo ng espada.

37Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito sa Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang kriminal.’ At natutupad na ito ngayon!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.