Lucas 22

Kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso.”

Luke 22:46 (UKJV) And said unto them, Why sleep all of you? rise and pray, lest all of you enter into temptation.

44Dahil sa paghihirap ng kanyang kalooban, lalo siyang nanalangin nang taimtim, at ang mga pawis niya ay parang dugo na tumutulo sa lupa.]

45Pagkatapos, tumayo siya at binalikan ang mga alagad niya, pero nadatnan niya silang natutulog dahil napagod sila sa matinding paghihinagpis.

46Kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso.”

47Nagsasalita pa si Hesus nang dumating ang maraming tao. Si Judas na isa sa labindalawang alagad ang nangunguna sa kanila. Nilapitan niya si Hesus at hinalikan.

48Sinabi ni Hesus sa kanya, “Judas, tinatraydor mo ba ang Anak ng Tao, sa pamamagitan ng isang halik?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.