46Kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso.”
47Nagsasalita pa si Hesus nang dumating ang maraming tao. Si Judas na isa sa labindalawang alagad ang nangunguna sa kanila. Nilapitan niya si Hesus at hinalikan.
48Sinabi ni Hesus sa kanya, “Judas, tinatraydor mo ba ang Anak ng Tao, sa pamamagitan ng isang halik?”
49Nang makita ng mga alagad ni Hesus ang maaaring mangyari, sinabi nila, “Panginoon, gagamit na ba kami ng tabak?”
50At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng punong pari, at naputol ang kanang tainga nito.