Lucas 22

Nang makita ng mga alagad ni Hesus ang maaaring mangyari, sinabi nila, “Panginoon, gagamit na ba kami ng tabak?”

Luke 22:49 (UKJV) When they which were about him saw what would follow, they said unto him, Lord, shall we strike with the sword?

47Nagsasalita pa si Hesus nang dumating ang maraming tao. Si Judas na isa sa labindalawang alagad ang nangunguna sa kanila. Nilapitan niya si Hesus at hinalikan.

48Sinabi ni Hesus sa kanya, “Judas, tinatraydor mo ba ang Anak ng Tao, sa pamamagitan ng isang halik?”

49Nang makita ng mga alagad ni Hesus ang maaaring mangyari, sinabi nila, “Panginoon, gagamit na ba kami ng tabak?”

50At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng punong pari, at naputol ang kanang tainga nito.

51Ngunit sinaway sila ni Hesus, “Tama na iyan!” Hinipo niya ang tainga ng alipin at pinagaling ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.