56Nakita siya ng isang utusang babae sa tabi ng siga at tiningnang mabuti. Sinabi ng babae, “Kasamahan din ni Hesus ang lalaking ito!”
57Ngunit itinanggi ito ni Pedro, “Babae, hindi ko siya kilala.”
58Maya-maya, may nakakita na naman sa kanya at nagsabi, “Kasamahan ka rin nila, di ba?” “Aba, hindi!” sagot ni Pedro.
59Pagkalipas ng isang oras, iginiit naman ng isa, “Totoong kasamahan din ni Hesus ang taong ito, dahil taga-Galilea rin siya.”
60Ngunit sumagot si Pedro, “Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo!” At habang nagsasalita pa siya ay tumilaok ang manok.