Lucas 22

Nakita siya ng isang utusang babae sa tabi ng siga at tiningnang mabuti. Sinabi ng babae, “Kasamahan din ni Hesus ang lalaking ito!”

Luke 22:56 (UKJV) But a certain maid beheld him as he sat by the fire, and earnestly looked upon him, and said, This man was also with him.

54Dinakip nila si Hesus at dinala sa bahay ng punong pari. Sumunod naman si Pedro pero nasa malayo siya.

55Nagsiga sa gitna ng bakuran ang mga naroon at naupo sila sa paligid ng siga para magpainit. Nakiupo rin si Pedro sa kanila.

56Nakita siya ng isang utusang babae sa tabi ng siga at tiningnang mabuti. Sinabi ng babae, “Kasamahan din ni Hesus ang lalaking ito!”

57Ngunit itinanggi ito ni Pedro, “Babae, hindi ko siya kilala.”

58Maya-maya, may nakakita na naman sa kanya at nagsabi, “Kasamahan ka rin nila, di ba?” “Aba, hindi!” sagot ni Pedro.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.