52Pagkatapos, kinausap ni Hesus ang mga namamahalang pari, mga opisyal ng mga guwardiya sa templo at ang mga pinuno ng mga Hudyo na naroon upang dakpin siya, “Isa ba akong tulisan? Bakit kailangan pa ninyong magdala ng mga espada at mga pamalo upang dakpin ako?
53Araw-araw akong nasa Templo, at naroon din kayo. Bakit hindi nʼyo ako dinakip? Ito na ang inyong pagkakataon, ang panahong naghahari ang kadiliman.”
54Dinakip nila si Hesus at dinala sa bahay ng punong pari. Sumunod naman si Pedro pero nasa malayo siya.
55Nagsiga sa gitna ng bakuran ang mga naroon at naupo sila sa paligid ng siga para magpainit. Nakiupo rin si Pedro sa kanila.
56Nakita siya ng isang utusang babae sa tabi ng siga at tiningnang mabuti. Sinabi ng babae, “Kasamahan din ni Hesus ang lalaking ito!”