Lucas 22

Nagsiga sa gitna ng bakuran ang mga naroon at naupo sila sa paligid ng siga para magpainit. Nakiupo rin si Pedro sa kanila.

Luke 22:55 (UKJV) And when they had kindled a fire in the midst of the hall, and were set down together, Peter sat down among them.

53Araw-araw akong nasa Templo, at naroon din kayo. Bakit hindi nʼyo ako dinakip? Ito na ang inyong pagkakataon, ang panahong naghahari ang kadiliman.”

54Dinakip nila si Hesus at dinala sa bahay ng punong pari. Sumunod naman si Pedro pero nasa malayo siya.

55Nagsiga sa gitna ng bakuran ang mga naroon at naupo sila sa paligid ng siga para magpainit. Nakiupo rin si Pedro sa kanila.

56Nakita siya ng isang utusang babae sa tabi ng siga at tiningnang mabuti. Sinabi ng babae, “Kasamahan din ni Hesus ang lalaking ito!”

57Ngunit itinanggi ito ni Pedro, “Babae, hindi ko siya kilala.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.