1Pagkatapos noon, tumayo silang lahat at dinala nila si Hesus kay Pilato.
2At sinabi nila ang mga paratang nila laban kay Hesus: “Nahuli namin ang taong ito na sinusulsulan niya ang mga kababayan namin na maghimagsik. Ipinagbabawal niya ang pagbabayad ng buwis sa Emperador, at sinasabi niyang siya raw ang Mesias, na isang hari!”
3Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?” Sumagot si Hesus, “Kayo na ang nagsasabi.”