Lucas 23

At sinabi nila ang mga paratang nila laban kay Hesus: “Nahuli namin ang taong ito na sinusulsulan niya ang mga kababayan namin na maghimagsik. Ipinagbabawal niya ang pagbabayad ng buwis sa Emperador, at sinasabi niyang siya raw ang Mesias, na isang hari!”

Luke 23:2 (UKJV) And they began to accuse him, saying, We found this fellow perverting the nation, and forbidding to give tribute to Caesar, saying that he himself is Christ a King.

1Pagkatapos noon, tumayo silang lahat at dinala nila si Hesus kay Pilato.

2At sinabi nila ang mga paratang nila laban kay Hesus: “Nahuli namin ang taong ito na sinusulsulan niya ang mga kababayan namin na maghimagsik. Ipinagbabawal niya ang pagbabayad ng buwis sa Emperador, at sinasabi niyang siya raw ang Mesias, na isang hari!”

3Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?” Sumagot si Hesus, “Kayo na ang nagsasabi.”

4Sinabi ni Pilato sa mga namamahalang pari at sa mga tao, “Wala akong nakikitang kasalanan sa taong ito!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.