14at sinabi sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito na ayon sa inyo ay nanunulsol sa mga tao upang maghimagsik. Inimbestigahan ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong hindi totoo ang mga paratang nʼyo laban sa kanya.
15Ganoon din ang napatunayan ni Herodes kaya ipinabalik niya si Hesus dito sa akin. Wala siyang nagawang kasalanan upang parusahan ng kamatayan.
16Kaya ipahahagupit ko na lang siya at palalayain.” [
17Tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang magpalaya si Pilato ng isang bilanggo.]
18Ngunit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, “Patayin ang taong iyan, at palayain si Barabas!”