15Ganoon din ang napatunayan ni Herodes kaya ipinabalik niya si Hesus dito sa akin. Wala siyang nagawang kasalanan upang parusahan ng kamatayan.
16Kaya ipahahagupit ko na lang siya at palalayain.” [
17Tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang magpalaya si Pilato ng isang bilanggo.]
18Ngunit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, “Patayin ang taong iyan, at palayain si Barabas!”
19(Si Barabas ay nabilanggo dahil sa paghihimagsik sa Jerusalem at pagpatay.)