17Tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang magpalaya si Pilato ng isang bilanggo.]
18Ngunit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, “Patayin ang taong iyan, at palayain si Barabas!”
19(Si Barabas ay nabilanggo dahil sa paghihimagsik sa Jerusalem at pagpatay.)
20Muling nagsalita si Pilato sa mga tao dahil gusto niyang palayain si Hesus.
21Ngunit patuloy ang pagsigaw ng mga tao, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!”