Lucas 23

At ayon din sa kahilingan nila, pinalaya niya si Barabas, na nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpatay. Ngunit ibinigay niya si Hesus sa kanila upang gawin ang gusto nila.

Luke 23:25 (UKJV) And he released unto them him that for sedition and murder was cast into prison, whom they had desired; but he delivered Jesus to their will.

23Ngunit lalo nilang iginigiit at ipinagsisigawan na ipako siya sa krus. Sa wakas ay nanaig din sila.

24Kaya pinagbigyan ni Pilato ang kahilingan ng mga tao na ipako sa krus si Hesus.

25At ayon din sa kahilingan nila, pinalaya niya si Barabas, na nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpatay. Ngunit ibinigay niya si Hesus sa kanila upang gawin ang gusto nila.

26Habang dinadala na ng mga sundalo si Hesus sa lugar na pagpapakuan sa kanya, nasalubong nila si Simon na taga-Cirene na kagagaling lang sa bukid. Dinakip nila ito, at sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus, kasunod ni Hesus.

27Sinusundan si Hesus ng napakaraming tao, kabilang ang mga babaeng umiiyak at nananaghoy dahil naaawa sila sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.