22Sa ikatlong pagkakataon ay nagsalita si Pilato sa kanila, “Bakit, anong kasalanan ang ginawa niya? Wala akong nakikitang kasalanan sa kanya para ipapatay siya. Kaya ipahahagupit ko na lang siya at saka palalayain!”
23Ngunit lalo nilang iginigiit at ipinagsisigawan na ipako siya sa krus. Sa wakas ay nanaig din sila.
24Kaya pinagbigyan ni Pilato ang kahilingan ng mga tao na ipako sa krus si Hesus.
25At ayon din sa kahilingan nila, pinalaya niya si Barabas, na nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpatay. Ngunit ibinigay niya si Hesus sa kanila upang gawin ang gusto nila.
26Habang dinadala na ng mga sundalo si Hesus sa lugar na pagpapakuan sa kanya, nasalubong nila si Simon na taga-Cirene na kagagaling lang sa bukid. Dinakip nila ito, at sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus, kasunod ni Hesus.