Lucas 23

Ininsulto rin si Hesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang sarili mo, pati na kami!”

Luke 23:39 (UKJV) And one of the malefactors which were hanged railed on him, saying, If you be Christ, save yourself and us.

37at sinabi pa nila sa kanya, “Kung ikaw nga ang hari ng mga Hudyo, iligtas mo ang iyong sarili!”

38May karatula sa ulunan ni Hesus, at ganito ang nakasulat: Ito ang Hari ng mga Hudyo.

39Ininsulto rin si Hesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang sarili mo, pati na kami!”

40Ngunit sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw man ay pinaparusahan din ng kamatayan.

41Dapat lang na parusahan tayo ng kamatayan dahil sa mga ginawa nating kasalanan, pero ang taong itoʼy walang ginawang masama!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.