36Ininsulto rin siya ng mga sundalo at binigyan ng maasim na alak,
37at sinabi pa nila sa kanya, “Kung ikaw nga ang hari ng mga Hudyo, iligtas mo ang iyong sarili!”
38May karatula sa ulunan ni Hesus, at ganito ang nakasulat: Ito ang Hari ng mga Hudyo.
39Ininsulto rin si Hesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang sarili mo, pati na kami!”
40Ngunit sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw man ay pinaparusahan din ng kamatayan.