3Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?” Sumagot si Hesus, “Kayo na ang nagsasabi.”
4Sinabi ni Pilato sa mga namamahalang pari at sa mga tao, “Wala akong nakikitang kasalanan sa taong ito!”
5Ngunit mapilit sila at sinabing, “Ginugulo niya ang mga tao sa buong Judea sa pamamagitan ng mga turo niya. Nagsimula siya sa Galilea at narito na siya ngayon sa Jerusalem.”
6Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga-Galilea si Hesus.
7At nang malaman niyang mula nga siya sa Galilea, ipinadala niya si Hesus kay Herodes, na nasa Jerusalem noon, dahil sakop nito ang Galilea.