Lucas 23

At nang malaman niyang mula nga siya sa Galilea, ipinadala niya si Hesus kay Herodes, na nasa Jerusalem noon, dahil sakop nito ang Galilea.

Luke 23:7 (UKJV) And as soon as he knew that he belonged unto Herod's jurisdiction, he sent him to Herod, who himself also was at Jerusalem at that time.

5Ngunit mapilit sila at sinabing, “Ginugulo niya ang mga tao sa buong Judea sa pamamagitan ng mga turo niya. Nagsimula siya sa Galilea at narito na siya ngayon sa Jerusalem.”

6Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga-Galilea si Hesus.

7At nang malaman niyang mula nga siya sa Galilea, ipinadala niya si Hesus kay Herodes, na nasa Jerusalem noon, dahil sakop nito ang Galilea.

8Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Hesus dahil matagal na niya itong gustong makita, dahil sa mga nababalitaan niya at gusto niyang makita si Hesus na gumagawa ng himala.

9Marami siyang itinanong kay Hesus, pero hindi ito sumagot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.