Lucas 23

Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Hesus dahil matagal na niya itong gustong makita, dahil sa mga nababalitaan niya at gusto niyang makita si Hesus na gumagawa ng himala.

Luke 23:8 (UKJV) And when Herod saw Jesus, he was exceeding glad: for he was desirous to see him of a long season, because he had heard many things of him; and he hoped to have seen some miracle done by him.

6Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga-Galilea si Hesus.

7At nang malaman niyang mula nga siya sa Galilea, ipinadala niya si Hesus kay Herodes, na nasa Jerusalem noon, dahil sakop nito ang Galilea.

8Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Hesus dahil matagal na niya itong gustong makita, dahil sa mga nababalitaan niya at gusto niyang makita si Hesus na gumagawa ng himala.

9Marami siyang itinanong kay Hesus, pero hindi ito sumagot.

10Samantala, patuloy na isinisigaw ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan ang mga paratang nila laban kay Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.