8Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Hesus dahil matagal na niya itong gustong makita, dahil sa mga nababalitaan niya at gusto niyang makita si Hesus na gumagawa ng himala.
9Marami siyang itinanong kay Hesus, pero hindi ito sumagot.
10Samantala, patuloy na isinisigaw ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan ang mga paratang nila laban kay Hesus.
11Hinamak at ininsulto ni Herodes at ng mga sundalo niya si Hesus. Sinuotan nila siya ng magandang damit bilang pagkutya sa kanya, at saka ibinalik kay Pilato.
12At nang araw ding iyon ay naging magkaibigan ang dating magkaaway na sina Herodes at Pilato.