Lucas 23

At nang araw ding iyon ay naging magkaibigan ang dating magkaaway na sina Herodes at Pilato.

Luke 23:12 (UKJV) And the same day Pilate and Herod were made friends together: for before they were at enmity between themselves.

10Samantala, patuloy na isinisigaw ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan ang mga paratang nila laban kay Hesus.

11Hinamak at ininsulto ni Herodes at ng mga sundalo niya si Hesus. Sinuotan nila siya ng magandang damit bilang pagkutya sa kanya, at saka ibinalik kay Pilato.

12At nang araw ding iyon ay naging magkaibigan ang dating magkaaway na sina Herodes at Pilato.

13Ipinatawag ni Pilato ang mga namamahalang pari, mga tagapamahala ng bayan at ang mga tao,

14at sinabi sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito na ayon sa inyo ay nanunulsol sa mga tao upang maghimagsik. Inimbestigahan ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong hindi totoo ang mga paratang nʼyo laban sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.