Lucas 23

Ibinaba niya ang bangkay sa krus at binalot ng telang lino. Pagkatapos, inilagay niya ito sa libingang inukit sa gilid ng burol, na hindi pa napaglilibingan.

Luke 23:53 (UKJV) And he took it down, and wrapped it in linen, and laid it in a tomb that was hewn in stone, wherein never man before was laid.

52Pumunta si Jose kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus.

53Ibinaba niya ang bangkay sa krus at binalot ng telang lino. Pagkatapos, inilagay niya ito sa libingang inukit sa gilid ng burol, na hindi pa napaglilibingan.

54Biyernes noon at araw ng paghahanda para sa Araw ng Pamamahinga.

55Sinundan si Jose ng mga babaeng sumáma kay Hesus mula sa Galilea. Nakita nila ang libingan at kung paano inilagay ang bangkay ni Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.