Lucas 23

Pumunta si Jose kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus.

Luke 23:52 (UKJV) This man went unto Pilate, and begged the body of Jesus.

50May isang lalaki roon na ang pangalan ay Jose. Siya ay taga-Arimatea na sakop ng Judea. Kahit na miyembro siya ng Sanhedrin, hindi niya sinang-ayunan ang kanilang ginawa kay Hesus. Mabuting tao siya, matuwid at kabilang sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos.

52Pumunta si Jose kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus.

53Ibinaba niya ang bangkay sa krus at binalot ng telang lino. Pagkatapos, inilagay niya ito sa libingang inukit sa gilid ng burol, na hindi pa napaglilibingan.

54Biyernes noon at araw ng paghahanda para sa Araw ng Pamamahinga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.