48Ang mga taong pumunta roon at nakasaksi sa lahat ng nangyari ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib sa labis na kalungkutan.
49Sa di-kalayuan ay nakatayo ang mga kaibigan ni Hesus, pati ang mga babaeng sumáma sa kanya mula sa Galilea, habang pinanonood ang lahat ng nangyari.
50May isang lalaki roon na ang pangalan ay Jose. Siya ay taga-Arimatea na sakop ng Judea. Kahit na miyembro siya ng Sanhedrin, hindi niya sinang-ayunan ang kanilang ginawa kay Hesus. Mabuting tao siya, matuwid at kabilang sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos.
52Pumunta si Jose kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus.