Lucas 23

Sa di-kalayuan ay nakatayo ang mga kaibigan ni Hesus, pati ang mga babaeng sumáma sa kanya mula sa Galilea, habang pinanonood ang lahat ng nangyari.

Luke 23:49 (UKJV) And all his acquaintance, and the women that followed him from Galilee, stood far off, beholding these things.

47Nang makita ng kapitan ng mga sundalo ang nangyari, pinuri niya ang Diyos at sinabi, “Totoo ngang walang kasalanan ang taong ito.”

48Ang mga taong pumunta roon at nakasaksi sa lahat ng nangyari ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib sa labis na kalungkutan.

49Sa di-kalayuan ay nakatayo ang mga kaibigan ni Hesus, pati ang mga babaeng sumáma sa kanya mula sa Galilea, habang pinanonood ang lahat ng nangyari.

50May isang lalaki roon na ang pangalan ay Jose. Siya ay taga-Arimatea na sakop ng Judea. Kahit na miyembro siya ng Sanhedrin, hindi niya sinang-ayunan ang kanilang ginawa kay Hesus. Mabuting tao siya, matuwid at kabilang sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.