46Sumigaw nang malakas si Hesus, “Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyong mga kamay ang aking espiritu!” At pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga.
47Nang makita ng kapitan ng mga sundalo ang nangyari, pinuri niya ang Diyos at sinabi, “Totoo ngang walang kasalanan ang taong ito.”
48Ang mga taong pumunta roon at nakasaksi sa lahat ng nangyari ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib sa labis na kalungkutan.
49Sa di-kalayuan ay nakatayo ang mga kaibigan ni Hesus, pati ang mga babaeng sumáma sa kanya mula sa Galilea, habang pinanonood ang lahat ng nangyari.