9Kaya umuwi sila at ibinalita ang lahat ng ito sa labing-isang alagad at sa iba pa nilang kasamahan.
10Ang mga babaeng ito ay sina Maria na taga-Magdala, Juana, Maria na ina ni Santiago, at ang iba pang mga babaeng kasama nila. Sinabi nila sa mga apostol ang nakita nila,
11ngunit hindi naniwala ang mga apostol dahil akala nila ay gawa-gawa lang iyon ng mga babae.
12Ganoon pa man, tumakbo si Pedro at pumunta sa libingan. Pagdating niya roon, sumilip siya sa loob pero wala siyang nakita kundi ang telang lino na ipinambalot sa bangkay. Kaya umuwi siyang nagtataka sa pangyayari.
13Nang araw ding iyon, may dalawang alagad si Hesus na naglalakad papuntang Emaus, isang nayon na may 11 kilometro ang layo mula sa Jerusalem.