Lucas 24

Nang araw ding iyon, may dalawang alagad si Hesus na naglalakad papuntang Emaus, isang nayon na may 11 kilometro ang layo mula sa Jerusalem.

Luke 24:13 (UKJV) And, behold, two of them went that same day to a village called Emmaus, which was from Jerusalem about threescore furlongs.

11ngunit hindi naniwala ang mga apostol dahil akala nila ay gawa-gawa lang iyon ng mga babae.

12Ganoon pa man, tumakbo si Pedro at pumunta sa libingan. Pagdating niya roon, sumilip siya sa loob pero wala siyang nakita kundi ang telang lino na ipinambalot sa bangkay. Kaya umuwi siyang nagtataka sa pangyayari.

13Nang araw ding iyon, may dalawang alagad si Hesus na naglalakad papuntang Emaus, isang nayon na may 11 kilometro ang layo mula sa Jerusalem.

14Pinag-uusapan ng dalawa ang mga pangyayaring naganap kamakailan lang.

15Habang nag-uusap sila at nagtatalo tungkol sa mga bagay na iyon, lumapit sa kanila si Hesus at nakisabay sa paglalakad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.