12Ganoon pa man, tumakbo si Pedro at pumunta sa libingan. Pagdating niya roon, sumilip siya sa loob pero wala siyang nakita kundi ang telang lino na ipinambalot sa bangkay. Kaya umuwi siyang nagtataka sa pangyayari.
13Nang araw ding iyon, may dalawang alagad si Hesus na naglalakad papuntang Emaus, isang nayon na may 11 kilometro ang layo mula sa Jerusalem.
14Pinag-uusapan ng dalawa ang mga pangyayaring naganap kamakailan lang.
15Habang nag-uusap sila at nagtatalo tungkol sa mga bagay na iyon, lumapit sa kanila si Hesus at nakisabay sa paglalakad.
16Hindi nila siya nakilala dahil itinago ito sa kanilang paningin.