Lucas 24

Hindi nila siya nakilala dahil itinago ito sa kanilang paningin.

Luke 24:16 (UKJV) But their eyes were held that they should not know him.

14Pinag-uusapan ng dalawa ang mga pangyayaring naganap kamakailan lang.

15Habang nag-uusap sila at nagtatalo tungkol sa mga bagay na iyon, lumapit sa kanila si Hesus at nakisabay sa paglalakad.

16Hindi nila siya nakilala dahil itinago ito sa kanilang paningin.

17Tinanong sila ni Hesus, “Ano ang pinag-uusapan ninyo habang naglalakad kayo?” Tumigil sandali ang dalawa na malungkot ang mga mukha.

18Sumagot ang isa na ang pangalan ay Cleopas, “Siguro, sa lahat ng dumadayo sa Jerusalem, kayo lang ang hindi nakabalita tungkol sa mga nangyari roon kamakailan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.