Lucas 24

Tinanong sila ni Hesus, “Ano ang pinag-uusapan ninyo habang naglalakad kayo?” Tumigil sandali ang dalawa na malungkot ang mga mukha.

Luke 24:17 (UKJV) And he said unto them, What manner of communications are these that all of you have one to another, as all of you walk, and are sad?

15Habang nag-uusap sila at nagtatalo tungkol sa mga bagay na iyon, lumapit sa kanila si Hesus at nakisabay sa paglalakad.

16Hindi nila siya nakilala dahil itinago ito sa kanilang paningin.

17Tinanong sila ni Hesus, “Ano ang pinag-uusapan ninyo habang naglalakad kayo?” Tumigil sandali ang dalawa na malungkot ang mga mukha.

18Sumagot ang isa na ang pangalan ay Cleopas, “Siguro, sa lahat ng dumadayo sa Jerusalem, kayo lang ang hindi nakabalita tungkol sa mga nangyari roon kamakailan.”

19Nagtanong si Hesus sa kanila, “Bakit, ano ang mga nangyari?” At sumagot sila, “Ang nangyari kay Hesus na taga-Nazaret. Isa siyang propetang makapangyarihan sa paningin ng Diyos at ng mga tao. At pinatunayan ito ng mga gawa at aral niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.