Lucas 24

Nagtanong si Hesus sa kanila, “Bakit, ano ang mga nangyari?” At sumagot sila, “Ang nangyari kay Hesus na taga-Nazaret. Isa siyang propetang makapangyarihan sa paningin ng Diyos at ng mga tao. At pinatunayan ito ng mga gawa at aral niya.

Luke 24:19 (UKJV) And he said unto them, What things? And they said unto him, Concerning Jesus of Nazareth, which was a prophet mighty in deed and word before God and all the people:

17Tinanong sila ni Hesus, “Ano ang pinag-uusapan ninyo habang naglalakad kayo?” Tumigil sandali ang dalawa na malungkot ang mga mukha.

18Sumagot ang isa na ang pangalan ay Cleopas, “Siguro, sa lahat ng dumadayo sa Jerusalem, kayo lang ang hindi nakabalita tungkol sa mga nangyari roon kamakailan.”

19Nagtanong si Hesus sa kanila, “Bakit, ano ang mga nangyari?” At sumagot sila, “Ang nangyari kay Hesus na taga-Nazaret. Isa siyang propetang makapangyarihan sa paningin ng Diyos at ng mga tao. At pinatunayan ito ng mga gawa at aral niya.

20Inakusahan siya ng mga pinuno namin at ng mga namamahalang pari upang mahatulang mamatay. At ipinako siya sa krus.

21Umasa pa naman kami na siya ang magpapalaya sa Israel. Ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang patayin siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.