18Sumagot ang isa na ang pangalan ay Cleopas, “Siguro, sa lahat ng dumadayo sa Jerusalem, kayo lang ang hindi nakabalita tungkol sa mga nangyari roon kamakailan.”
19Nagtanong si Hesus sa kanila, “Bakit, ano ang mga nangyari?” At sumagot sila, “Ang nangyari kay Hesus na taga-Nazaret. Isa siyang propetang makapangyarihan sa paningin ng Diyos at ng mga tao. At pinatunayan ito ng mga gawa at aral niya.
20Inakusahan siya ng mga pinuno namin at ng mga namamahalang pari upang mahatulang mamatay. At ipinako siya sa krus.
21Umasa pa naman kami na siya ang magpapalaya sa Israel. Ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang patayin siya.
22Ngunit nagulat kami sa ibinalita sa amin ng ilang babaeng kasamahan namin na maagang pumunta kanina sa libingan. Hindi nila nakita ang bangkay ni Hesus, pero nakakita raw sila ng mga anghel na nagsabing buháy si Hesus.