25Sinabi sa kanila ni Hesus, “Mga mangmang kayo! Napakahirap ninyong maniwala sa lahat ng sinabi ng mga propeta!
26Hindi baʼt ang Mesias ay kailangang magtiis ng lahat ng ito bago siya parangalan ng Diyos?”
27At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan tungkol sa kanya, mula sa mga isinulat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta.
28Nang malapit na sila sa Emaus na pupuntahan nila, nagkunwari si Hesus na magpapatuloy sa kanyang paglalakbay.
29Ngunit pinigil nila siya, at sinabi, “Dito na muna po kayo tumuloy sa amin, dahil palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya sumáma siya sa kanila.