29Ngunit pinigil nila siya, at sinabi, “Dito na muna po kayo tumuloy sa amin, dahil palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya sumáma siya sa kanila.
30Nang kakain na sila, kinuha ni Hesus ang tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa kanila.
31Noon din ay nabuksan ang kanilang mga paningin at nakilala nila si Hesus. Ngunit bigla siyang nawala sa kanilang paningin.
32Sinabi nila, “Kaya pala ang ganda ng pakiramdam natin habang kinakausap niya tayo sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang Kasulatan.”
33Noon din ay bumalik sila sa Jerusalem. Nadatnan nilang nagtitipon ang labing-isang alagad at ang iba pa nilang kasamahan.