Lucas 24

Noon din ay bumalik sila sa Jerusalem. Nadatnan nilang nagtitipon ang labing-isang alagad at ang iba pa nilang kasamahan.

Luke 24:33 (UKJV) And they rose up the same hour, and returned to Jerusalem, and found the eleven gathered together, and them that were with them,

31Noon din ay nabuksan ang kanilang mga paningin at nakilala nila si Hesus. Ngunit bigla siyang nawala sa kanilang paningin.

32Sinabi nila, “Kaya pala ang ganda ng pakiramdam natin habang kinakausap niya tayo sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang Kasulatan.”

33Noon din ay bumalik sila sa Jerusalem. Nadatnan nilang nagtitipon ang labing-isang alagad at ang iba pa nilang kasamahan.

34Pinag-uusapan nilang, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Nagpakita siya kay Pedro.”

35Ikinuwento naman ng dalawang galing Emaus ang nangyari sa kanila sa daan, at kung paano nila nakilala si Hesus nang paghahati-hatiin niya ang tinapay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.