32Sinabi nila, “Kaya pala ang ganda ng pakiramdam natin habang kinakausap niya tayo sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang Kasulatan.”
33Noon din ay bumalik sila sa Jerusalem. Nadatnan nilang nagtitipon ang labing-isang alagad at ang iba pa nilang kasamahan.
34Pinag-uusapan nilang, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Nagpakita siya kay Pedro.”
35Ikinuwento naman ng dalawang galing Emaus ang nangyari sa kanila sa daan, at kung paano nila nakilala si Hesus nang paghahati-hatiin niya ang tinapay.
36Habang pinag-uusapan nila ito, nagpakita si Hesus at tumayo sa kalagitnaan nila, at binati sila, “Sumainyo ang kapayapaan!”