Lucas 24

Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot? At bakit kayo nag-aalinlangan?

Luke 24:38 (UKJV) And he said unto them, Why are all of you troubled? and why do thoughts arise in your hearts?

36Habang pinag-uusapan nila ito, nagpakita si Hesus at tumayo sa kalagitnaan nila, at binati sila, “Sumainyo ang kapayapaan!”

37Ngunit nagulat sila at natakot dahil akala nila ay multo ang nakita nila.

38Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot? At bakit kayo nag-aalinlangan?

39Ako talaga ito. Tingnan ninyo ang mga kamay at paa ko. Hawakan ninyo akoʼt pagmasdan. Hindi ako multo, dahil ang multo ay walang laman at buto ngunit ako ay mayroon.”

40Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.