Lucas 24

Ako talaga ito. Tingnan ninyo ang mga kamay at paa ko. Hawakan ninyo akoʼt pagmasdan. Hindi ako multo, dahil ang multo ay walang laman at buto ngunit ako ay mayroon.”

Luke 24:39 (UKJV) Behold my hands and my feet, that it is I myself: handle me, and see; for a spirit has not flesh and bones, as all of you see me have.

37Ngunit nagulat sila at natakot dahil akala nila ay multo ang nakita nila.

38Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot? At bakit kayo nag-aalinlangan?

39Ako talaga ito. Tingnan ninyo ang mga kamay at paa ko. Hawakan ninyo akoʼt pagmasdan. Hindi ako multo, dahil ang multo ay walang laman at buto ngunit ako ay mayroon.”

40Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.

41Sa kagalakan nila at pagkamangha, halos hindi pa rin sila makapaniwala. Kaya tinanong sila ni Hesus, “Mayroon ba kayong pagkain diyan?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.