6Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Hindi ba sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya,
7na ang Anak ng Tao ay kailangang ipasakamay sa mga makasalanan at ipako sa krus, pero mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw?”
8At naalala ng mga babae ang mga sinabi ni Hesus.
9Kaya umuwi sila at ibinalita ang lahat ng ito sa labing-isang alagad at sa iba pa nilang kasamahan.
10Ang mga babaeng ito ay sina Maria na taga-Magdala, Juana, Maria na ina ni Santiago, at ang iba pang mga babaeng kasama nila. Sinabi nila sa mga apostol ang nakita nila,