Lucas 3

Sa gayon, natupad ang isinulat ni Propeta Isaias, “May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.

Luke 3:4 (UKJV) As it is written in the book of the words of Isaiah the prophet, saying, The voice of one crying in the wilderness, Prepare all of you the way of the Lord, make his paths straight.

2Mga punong pari noon sina Anas at Caifas. Sa panahong ito, nangusap ang Diyos kay Juan na anak ni Zacarias doon sa ilang.

3Kayaʼt nilibot niya ang mga lugar sa paligid ng Ilog Jordan para mangaral. Ipinahayag niya na kailangang pagsisihan at talikuran ng mga tao ang kanilang mga kasalanan, at magpabautismo para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

4Sa gayon, natupad ang isinulat ni Propeta Isaias, “May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.

5Tatambakan ang mabababang lugar, at papatagin ang mga bundok at burol. Itutuwid ang liku-likong daan, at aayusin ang mga baku-bakong landas.

6At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.