Lucas 3

Maraming tao ang pumunta kay Juan para magpabautismo. Sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino namang nagsabi sa inyo na makakatakas kayo sa darating na parusa ng Diyos?

Luke 3:7 (UKJV) Then said he to the multitude that came forth to be baptized of him, O generation of vipers, who has warned you to flee from the wrath to come?

5Tatambakan ang mabababang lugar, at papatagin ang mga bundok at burol. Itutuwid ang liku-likong daan, at aayusin ang mga baku-bakong landas.

6At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”

7Maraming tao ang pumunta kay Juan para magpabautismo. Sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino namang nagsabi sa inyo na makakatakas kayo sa darating na parusa ng Diyos?

8Kung totoong nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo sa inyong mga gawa. Huwag ninyong sabihin na dahil ninuno ninyo si Abraham ay hindi kayo mapaparusahan. Sapagkat sinasabi ko sa inyo: Makakalikha ang Diyos ng mga anak ni Abraham kahit sa mga batong ito.

9Ngayon pa lang ay nakaamba na ang palakol na puputol sa ugat ng mga puno. Ang mga punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.