10Sapagkat sinasabi sa Kasulatan: ‘Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na ingatan ka.
11Aalalayan ka nila upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.’ ”
12Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi rin sa Kasulatan, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.’ ”
13Matapos siyang tuksuhin ng diyablo sa lahat ng paraan, iniwan siya nito at naghintay ng ibang pagkakataon.
14Bumalik si Hesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu. Kumalat sa lahat ng lugar doon ang balita tungkol sa kanya.