12Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi rin sa Kasulatan, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon na iyong Diyos.’ ”
13Matapos siyang tuksuhin ng diyablo sa lahat ng paraan, iniwan siya nito at naghintay ng ibang pagkakataon.
14Bumalik si Hesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu. Kumalat sa lahat ng lugar doon ang balita tungkol sa kanya.
15Nagturo siya sa mga sinagoga, at pinuri siya ng lahat.
16Umuwi si Hesus sa Nazaret, sa bayang kinalakihan niya. At katulad ng nakaugalian niya, pumunta siya sa sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng Kasulatan.