14Bumalik si Hesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu. Kumalat sa lahat ng lugar doon ang balita tungkol sa kanya.
15Nagturo siya sa mga sinagoga, at pinuri siya ng lahat.
16Umuwi si Hesus sa Nazaret, sa bayang kinalakihan niya. At katulad ng nakaugalian niya, pumunta siya sa sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng Kasulatan.
17Ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito at binasa ang bahaging nagsasabing:
18“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, dahil hinirang niya ako para ipangaral ang Magandang Balita sa mga dukha. Sinugo niya ako para ipahayag sa mga bihag na lalaya na sila, at sa mga bulag na makakakita na sila. Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,