Lucas 4

“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, dahil hinirang niya ako para ipangaral ang Magandang Balita sa mga dukha. Sinugo niya ako para ipahayag sa mga bihag na lalaya na sila, at sa mga bulag na makakakita na sila. Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,

Luke 4:18 (UKJV) The Spirit of the Lord is upon me, because he has anointed me to preach the gospel to the poor; he has sent me to heal the brokenhearted, to preach deliverance to the captives, and recovering of sight to the blind, to set at liberty them that are bruised,

16Umuwi si Hesus sa Nazaret, sa bayang kinalakihan niya. At katulad ng nakaugalian niya, pumunta siya sa sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng Kasulatan.

17Ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito at binasa ang bahaging nagsasabing:

18“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, dahil hinirang niya ako para ipangaral ang Magandang Balita sa mga dukha. Sinugo niya ako para ipahayag sa mga bihag na lalaya na sila, at sa mga bulag na makakakita na sila. Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,

19at ipahayag na dumating na ang panahon ng pagpapala ng Panginoon.”

20Pagkatapos, ibinilot ni Hesus ang Kasulatan at isinauli sa katiwala, at saka naupo. Nakatutok sa kanya ang mga mata ng lahat ng naroon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.