Lucas 4

Pagkatapos, ibinilot ni Hesus ang Kasulatan at isinauli sa katiwala, at saka naupo. Nakatutok sa kanya ang mga mata ng lahat ng naroon.

Luke 4:20 (UKJV) And he closed the book, and he gave it again to the minister, and sat down. And the eyes of all them that were in the synagogue were fastened on him.

18“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, dahil hinirang niya ako para ipangaral ang Magandang Balita sa mga dukha. Sinugo niya ako para ipahayag sa mga bihag na lalaya na sila, at sa mga bulag na makakakita na sila. Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,

19at ipahayag na dumating na ang panahon ng pagpapala ng Panginoon.”

20Pagkatapos, ibinilot ni Hesus ang Kasulatan at isinauli sa katiwala, at saka naupo. Nakatutok sa kanya ang mga mata ng lahat ng naroon.

21Sinimulan niyang mangaral sa kanila, “Sa araw na itoʼy natupad na ang Kasulatang inyong narinig.”

22Pinuri siya ng lahat at humanga sa mga kamangha-manghang salita na kanyang sinabi. Napatanong sila, “Hindi baʼt anak siya ni Jose?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.