Lucas 4

Pinuri siya ng lahat at humanga sa mga kamangha-manghang salita na kanyang sinabi. Napatanong sila, “Hindi baʼt anak siya ni Jose?”

Luke 4:22 (UKJV) And all bare him witness, and wondered at the gracious words which proceeded out of his mouth. And they said, Is not this Joseph's son?

20Pagkatapos, ibinilot ni Hesus ang Kasulatan at isinauli sa katiwala, at saka naupo. Nakatutok sa kanya ang mga mata ng lahat ng naroon.

21Sinimulan niyang mangaral sa kanila, “Sa araw na itoʼy natupad na ang Kasulatang inyong narinig.”

22Pinuri siya ng lahat at humanga sa mga kamangha-manghang salita na kanyang sinabi. Napatanong sila, “Hindi baʼt anak siya ni Jose?”

23Sinabi ni Hesus sa kanila, “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin ang kawikaang ito: ‘Manggagamot, gamutin mo muna ang iyong sarili.’ Ang gusto ninyong sabihin ay, ‘Gawin mo rin dito sa sarili mong bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.’ ”

24Dagdag pa niya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang propetang tinatanggap sa sarili niyang bayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.